sino ba talaga kami

ABAWT US

Sino nga ba kami at ano ang mga purpose bakit kami nasa harapan mo ngayon?

paano nagsimula ang monkeysee?

OUR STORYA

Sinimulan ko to, walang naniniwala sa paligid ko, e ano? e anoooooohhooohhh!! de jok lang hahahaha. Ako nga pala si Elsinore Miranda, ang founder/CEO (naks ceo haha) ng monkey see monkey do. Nagsimula tong monkey see monkey do dahil naisipan ko gumawa ng youtube channel kung saan maishashare ko mga experiences, knowledge, skills, mindset, insights at kung ano ano pa sa mga aspiring graphic designers. 2018 unang upload ko sa youtube, sabi ko sa sarili ko dapat pasabog agad ung content, boom ayun magkano sahod ng graphic designer, hahaha panget pa ng audio ko ska video kasi di pa ko marunung talaga at wla dn nagguide saken. Awa ng diyos may mga nanood naman kahit konti at nagustuhan ang content ko, konti palang kasi nagyyoutube about graphic design nung time na yun. Kaya gusto ko dn parang maging pioneer ganun, anyway fast forward na, nung natapos ko na yun at may mga nanuod naman, nagcomment, naglike, nagsubscribe, medyo ginanahan ako kaya tinuloy tuloy ko.

Nung panahon na yun naging clear na ung purpose ko at ung vision ko sa gusto kong gawin. Gusto ko makatulong sa mga aspiring graphic designers na gusto magsimula sa career nila sa graphic design, gusto matuto magdesign, at mga gusto maimprove ung skills nila. At dun ko nga naisipan gumawa ng mga ibat ibang content kagaya ng videos, tutorials, books, online courses, bootcamps, mentorship program atbp. Kumbaga iba’t ibang level dn kasi ang mga nagmmessage at nagccomment sa mga videos ko na humihingi ng mga advice, tips, insights at kung ano ano pa. Kaya hindi pwedeng one size fits all kumbaga.

After 3 years nung ginawa ko ung unang video sa youtube, nakagawa na ko ng dalawang libro, ang una ay ung Panimulang Guide sa Grapik Desayn, ito ung pinaka una kong ginawa, ebook palang to nung una hanggang sa nakakakita ng supplier na tumatanggap ng 100 pcs lang (pm nyo si maam Joy Revoca Aspa matindi yan hehe) Bali 1 year mahigit bago ko natapos ung libro na yan kasi nga may mga trabaho din at mga sidelines kaya ginagawa ko lang siya pag talagang free time ko. Then after a year nang maprint ung grapik desayn book, naisipan ko na naman magsulat ng isa pang libro, ito na nga ung from zero to logo na tungkol naman sa logo design from scratch. Nung time kasi na yun march 2020 naglockdown tapos nawala dn ung iba kong trabaho kaya nagkaron ako ng time para magsulat ulit. One year ulit yun bago ko natapos or mahigit pa ata haha gusto ko kasi marami talaga matutunan at maging sulit ung libro para sa mga bibili at so far ok naman ang mga reviews hehe.

Nung napagod na ko magsulat ng mga libro at wla na rin ako maisip na isulat, saka nalang siguro ulit pag sinipag. Online courses naman ang naisipan ko para mas mapakita ko ng maayos ung mismong process kung paano ko inaapproach ang design at execution ng mga fundamentals. At dahil tamad ako mag edit ng videos, kinailangan ko nang tulong ng dalawang malupet na video editors para mas mapaganda at mas mapabilis ang pageedit ng mga videos. So ayun na nga natapos na ang isa sa mga courses na Fundamentals of Graphic Design na pwede mo iaddutukartu dito sa Courses page. Marami pang paparating na ibang courses tulad ng web design, print, social media, branding guidelines, portfolio atbp. abang abang lang mga idol at ineedit lang ng ating malupit na team.

 

ano na plano

OUR VISION

Bukod sa mga parating na iba’t ibang online courses, Magkakaron din tayo ng bootcamp kung saan ittraining talaga ang skills at mga senses nyo bilang isang designer. Kumbaga mentorship program para mas makorek ang mga dapat ikorek sa mga designs. Pangarap din talaga namen magkaroon ng physical na office/training center para mas matutukan talaga ang progress ng bawat studyante, wala pang budget sa ngayon, pero malay mo sa 2023 diba? Ang pinaka goal talaga ng mnkysee ay makatulong sa mga gustong magsimula at maging guide sa iyong paglalakbay na nadaanan din namen. Mula sa free contents, resources, videos galing sa youtube, fb, tiktok, ig atbp gang sa mga books, online courses at bootcamps. Asahan nyo na andito lang kami para sayo, ang laban na to wooo oo oo ohhh. Orayt peace! 

tatlo palang kami

OUR TEAM

photo

Elsinore Miranda

Founder

Taga isip ng mga content, taga vlog, taga sulat ng libro, taga design atbp

Jericho Mangubat

VIDEO EDITOR / DESIGNER

editor ng videos, trim, subs, encode, nagdedesign din pag kailangan

Shairra Faye Labutap

VIDEO EDITOR / DESIGNER

nageedit din ng videos, online courses at nagdedesign pag kailangan 

MAY TANONG KA?

Location

Blk 15 lot 11 napier st Greenridge Subd Brgy Tagpos Binangonan Rizal

Contact Us

Phone : +639264452470

Our Hours

Kahit ano oras dre wag lang sobra gabi hahaha

Kami ang mnkysee, andito kami para tulungan ka sa iyong paglalakbay sa mundo ng grapik desayn. Arat matuto magdesign!

About