more info tungkol sa

MGA LIBRO

Ano ba laman ng mga libro na to? baka pinagkukuha mo lang sa interwebs yan ah. Arat at bibigyan kita ng konting preview kung ano laman ng libro. Read more sa baba.

A COMPREHENSIVE GUIDE SA LOGO DESIGN

FROM ZERO TO LOGO

Ang libro na ito ay para sa mga aspiring logo designers na entry level pa lamang o kaya naman zero knowledge about logo design. Nakalagay dito sa libro na to kung paano gumawa or magconceptualize ng logo from scratch, kumbaga pinaliwanag ko sa pinakasimpleng paraan kung paano mo matutunan ang pagdedesign ng logo. Kasama rin dito kung ano ang mga iba’t ibang klase ng logos katulad ng wordmark, brand mark, lettermark, mascot, emblem atbp.

 

At kung paano gumawa ng mga logos na yan. Ah basta marami laman yung libro 220 pages yata lahat. Halos lahat ng pwede kong ishare at ituro binuhos ko lahat jan sa libro na yan, at pinagisipan ko ng husto kung paano ko ittransfer ang knowledge na natutunan ko sa loob ng sampung taon ng pagiging logo designer.

Ano ang laman ng libro?

Ito ang table of contents dre, check it out mo nalang papi bka matripan mo.

Chapter 1: The Basics

What is a logo?

What makes a good logo?

What makes a bad logo?

Paano matutunan ang logo design? 

– Posible ba na maging creative ako?

– Pwede ba kahit hindi marunung magdrawing? 

– Wala akong eye for design/aesthetic sense? 

Mga tools na kailangan gamitin (adobe illustrator) 

– Pen Tool

– Shape Builder Tool

– Scissors Tool

– Rotate Tool

– Live Corner Widget 

– Smooth Tool

– Shear Tool 

– Width Tool .

Ano ang negative space sa logo design?

– Negative at Positive Space na may object

– Negative Space na walang object na nabubuo

– Hierarchy ng positive at negative space

Simple way to create logos from shapes

Simple way to create logos from letters 

Golden Ratio vs Optical Adjustment 

– How to use golden ratio

– Optical Adjustment 

Create logos from photo references 

– Using Fills as a starting point

– Using Lines and Fills

Chapter 2: The Creation

Creating the logo for Monkey See Monkey Do

Sketching Stage

Narrrowing down a logo design brief from start to finish 

Questionnaire Breakdown

Logo Process Funnel 

Moodboard

Sketching Ideas 

Simplify pa more 

Simplifiestest 

The transformation 

Typography in Logo 

Typography Psychology 

Choosing a Font & Sizing 

Color Psychology for Logo Design 

Choosing Primary & Secondary Colors 

How to build a color scheme

Chapter 3: Types of Logos

Different Types of Logos

Brand Mark / Pictorial Mark

Wordmark 

– Iba’t ibang approach sa paggawa ng wordmark

Keys for creating a wordmark

Monograms/Lettermark 

Methods on how to make monogram 

– Overlapping and cutting

– Extending and combining

– Overlapping Effect

– Converting Letters to Line Art 

– Gradient Treatment

Abstract Logo Mark 

Combination Mark 

– How to make combination mark

Emblems

– How to create an emblem

Mascot Logos 

– How to create a mascot logo

How to create Esports Logo 

– Qualities of Esports Logos

Personalities/Character of Logos 

Mga Levels ng Logo Design 

Analyzing some logo designs

Paano magimprove sa logo design 

We talkin bout practice

May Ebook version din tayo.

Baka mas trip mo magbasa sa cellphone or tablet mo.  Mas mura to 500 lang dalawa na.

Para kanino ang book na ito?

Tatlong klase ng aspiring graphic designers ito.

01 Zero Knowledge

Wala kang knowledge sa logo design pero curious na curious ka at gusto mo matuto gusto mo magsimula, pero di mo alam kung paano or kung saan matuto. Aba ito na ang unggoy na magguide sayu sa pagpasok mo sa logo design. 

02 Entry Level

Marunung na sa logo design pero mahina pa ang design skills, Andito lahat ng kelangan mo matutunan mula sa simpleng shapes para makabuo ka ng epektib at functional na logo

03 Mid Level

May ilang years na ng experience pero di pa rin pulido  ang gawa kasi kulang dn sa fundamentals at aesthetic sense, naistuck na sa mid level at gusto makarating sa top level or even super saiyan level depende sa sipag mo.

Mga piktyurs

GALLERY

Mga tanong

FAQs

Kapatid, kapamilya, kapuso ganito yan ah, let me explain, gaya nga ng sabi ko sa libro, karamihan ng impormasyon dito ay galing sa sarili kong styles at techniques kung paano ko tinitignan ang design at pinapaganda ito, pero syempre galing din sa internet ang mga basis neto, halos lahat naman nasa internet diba, pero di naman lahat yan makikita mo sa isang article lang o sa isang video o blog lang, ang ginawa ko dito ay parang combination ng mga experiences at skills tapos inaapply ko lang dun sa mga info galing sa internet saka ko pinaliliwanag sa pinaka madaling paraan, nagegets mo ba? Sabihin na natin na 30% galing sa internet tapos 70% ung galing sa sarili kong knowledge at skills na naacquire ko through years of experience, analyzing designs observing yung mga malulupet na designs para malaman kung ano nakakapagpaganda sa kanila.

Depende yan sa kumpurme kapatid, Kung sa tingin mo kulang pa yung design skills mo at fundamentals at hindi pa masyado pulido ung gawa mo hindi pa siya catchy or pansinin, pwedeng pwede sayu ang libro na ito dahil marami kang makukuhang knowledge kung paano pagagandahin ang design mo at kung ano yung mga qualities na nakakapagpalitaw sa isang design, syempre titignan mo din kung nasaan ka na ba sa career mo at kung kuntento ka na ba at hindi ka na naghahangad na iangat pa ung design skills mo para mas makakuha ng mas maraming cliente, depende yan lahat sayu at kung ano ang goal mo bilang graphic designer, pero tulad nga ng sabi ko mas magbebenefit sa libro na to ung talagang nagsisimula palang sa graphic design o nagpaplano na magsimula ng career sa graphic design at kelangan ng guide or panimula para magkaron sila ng idea kung ano ang mga kelangan gawin o mindset sa career ng graphic design,

Hindi man kasing lalim to nung mga book na nageexist sa amazon at iba pang site, pero pinaliwanag ko ung paraan ng pagdedesign na alam ko nagiging effective tuwing nagdedesign ako at syempre tagalog kaya mas madali mo maiintindhan hindi ka maooverwhelms sa mga malalalim na words at vocabulary, atsaka syempre iba pa rin pag galing sa isang hamak na pilipinong katulad ko ang mga salita dahil tulad nga ng sabi ko napagdaanan ko din yang napagdadaanan mo ngayun at ngayun gusto ko ishare sa inyo para naman makatulong din ako. Ayos ba?

Dre hindi lucky me instant noodles chicken na chicken flavor to, at the end of the days nasa sarili mong pagsisikap, determinasyon, passion, motivation at kung ano ano pa kung gaano mgiimprove ang skillsm mo kumbaga sa libro na to binibigay ko lahat ng knowledge at wisdom ko kung paano ako nagsucceed sa graphic design, depende nlng sayu kung paano mo lulunukin ung mga impormasyon at iaapply mo sa sarili mo.

Grabe ka naman dre, hindi ko naman sinasabi na super expert ako sa graphic design, hindi naman ibig sabihin na may libro akong sinulat e sobrang galing ko na, sa totoo lang nasa learning process pa din ako, dahil ang graphic design talagang continous learning yan dahil lagi siya nageevolve parang pokemon, kaya ko lang din naman ginawa tong libro na to para ishare ko yung mga knowledge at mga insights ko pagdating sa kung ano yung mga naranasan ko at naobserbaahan para maging successful na graphic designer, kumbaga sa paglalakbay isang bundok palang ung naaakyat ko, marami pang bundok na kelangan lampasan.

Kami ang mnkysee, andito kami para tulungan ka sa iyong paglalakbay sa mundo ng grapik desayn. Arat matuto magdesign!

About